lunes, 16 de julio de 2007

"Surprised PRINCESS" orihinal na panulat ni gabimay

Kabanata 1:


MARIELLLA ang pangalan nya"
inilapag sa front desk ang green folder sa harapan ng isang babaeng may edad na 45 anyos.Si RAMONA.May ari ng ADSPACE Agency Air Tour.Isa sa pinaka-malaking kumpanya na nag-i-sponsor ng mga events worldwide.
Sige na,puwede mo na akong iwan."
Yes Ma'am."
Mrs.Villanueva,nasa labas na ho yung babaeng pinahahanap nyo kay Detective Saaavedra."
What are you talking about?"
Ma'am aalis na po ako"
Sige na LIZ.Tatawagan na lang kita sa extention line."
At lumabas na ang sekretarya ni RAMONA.
Sit down MIGUEL.Isara mo ang pinto pls."
tumalima ang binata.
Sinong babae ang tinutukoy mo?
Ma'am RAMONA naalala nyo ho ba late last year nuong inutusan nyo ako to hire a detective para hanapin ang babaeng nagngangalang ISABEL CASTAÑEDA?"
Nag-isip si RAMONA.
Are you serious?Nandyan si.....ISABEL CASTAÑEDA?!"
Ma'am?
hindi matinag si RAMONA.
Okey lang po ba kayo?Gusto nyo ho bang iset-up natin ang meeting nyo sa kanya for the other day?"
MIGUEL,give me five minutes.Gusto ko munang mapag-isa."
Yes Ma'am."
MIGUEL?"
Ma'am?"
Dyan ka lang sa labas.Ipatatawag na lang kita."
Sige ho."
naiwan si RAMONA.Napasandal sa silya.Pumikit.
Sa labas.Habang naghihintay si ISABEL ay sumulpot naman na isang magandang dalagita na pangalan ay PRINCESS.Hinarang ito ng guwardiya.
Mamang Ano naman!Payagan nya na akong magtinda dito.Sige na!Ililibre kita ng pananghalian araw-araw!Sige na naman o!Pls!"
Hindi talaga puwede!Mayayari ako sa admin. kapag pinapasok kita."
E hindi naman ako magpapahuli eh!Pls naman o!"
PRINCESS?!"
nakita ni PRINCESS si ISABEL.
Aba?Inay!
Nanay mo sya?"
Oo!Kaya huwag mo na akong harangin!"
Hindi ka puwede dito sabi eh!
Ang kulit mo naman Mamang Ano!"
Guard!Sige na,hayaan mo na syang makapasok."
Napakamot na lang ang guwardya ng utusan sya ni MIGUEL na hayaan na lang si PRINCESS.
Salamat huh!Mamang Pogi!"
Walang anuman,basta ba huwag kang magtitinda dito,ok?"
Huh?Hindi naman eh!"
Inuunahan lang kita.Halata kasing pagkaing paninda ang laman ng bayong mo eh!"
Huh?Eto?Hindi ah!"
Anyway.Maiwan ko na kayo."
Nakasimangot na sinindan ni PRINCESS ng tingin si MIGUEL.
Hmp!Sungit!"
O' Inay?Anong ginagawa mo dito?Akala ko ba medyo masama ang pakiramdam mo?"
E kase may dumating na sulat sa bahay kahapon."
Sulat?Anong sulat?Patingin!"
binuksan ni ISABEL.At binasa nilang dalawa ang sulat.
Aba Inay!Mu'kang premyo ito ah?Pero teka?sumali ka ba sa contest na 'to?
Ako?Sira ka ba?E pang-mayaman lang itong contest na ito eh!Ticket sa eroplano?E ni minsan hindi naman ako nagbiyahe ng airplane!Barko!Yun pah!"
At saka isang beses ka lang naman sumakay ng barko di ba Inay?Kelan pa ba yun?ilang taon na ang nakaraan!Imposible!"
Naku PRINCESS!Kinakabahan ako!Baka trampa lang ito!Baka ito yung isa sa mga pinagkakautangan ko!Na hindi ko nabayaran....e di syempre tumubo na kaya kailangan na akong ipakulong!"
Hindi kaya tama ang iniisip mo inay?Ilan na ba ang tinakbuhan mong utang inay?"
Naku...andami eh!Hindi ko na maalala iyung iba!Patay na nga yung mga iba eh!"
Inay,tumakas na tayo.Bago maging huli ang lahat!"
E paano may guwardya sa labas?"

Ipinatawag ni RAMONA si MIGUEL.
Ma'am?"
Patuluyin mo na sya."
Sige po"

Nagmamadaling lumabas ng hotel si ISABEL at PRINCESS.Sa katatakbo ay nabitiwan ni PRINCESS ang bayong na puno ng kakanin.At nagkalat ito sa entrance hall.
Ayyyyyyy!!!!!Ang paninda ko!!
Bayaan mo na yan dyan!Halika na!"
E inay!Paano na ang paninda ko?"
Ang paano mo pa yan ititinda?Tange!Halika na sabe!"
Pano na ang mga paninda ko!Wahhhh!!Sayang yun!"
Hustong pumarada ang jeep kaya sumakay agad ang dalawa.

Pinuntahan ni MIGUEL ang guwardya at hinanap dito ang mag-ina.
Guard,nasa'n na yung babae na may kasamang dalaga?"
E kalalabas lang ho ah."
Anong kalalabas lang?"
E humahangos nga hong sumakay ng jeep!"
Ano itong mga pagkaing nakakalat sa hagdan?"
E kamamadali ho ng dalawa na makalabas sa hotel eh natapon ang laman ng bayong na dala ng dalagita."
Iiling-iling si MIGUEL.
O sya!Ipalinis na yan sa janitor at baka may dumating na guests e pintasan pa itong hotel natin."
Opo Sir."

Bumalik si MIGUEL sa opisina ni RAMONA.Kumatok ito.
O tuloy."
Ma'am.Umalis na ho sila eh.Hindi ko na naabutan."
Bakit?Anong nangyari?"
Nagmamadali daw hong umalis ang dalawa."
Sino bang dalawa?Si ISABEL ang pinag-uusapan natin.Meron ka bang ibang tinutukoy?"
Sya na nga po.Kanina ho kase nagkita sila dito ng isang dalagita?
Dalagita?Anong ginagawa ng dalagita dito?Dito nagta-trabaho?"
Hindi ho.Parang anak ho sya ng babaeng pinahanap nyo."
Nanlamig si RAMONA.Napaupo sa silya.
Give me a glass of water please."
Tumalima si MIGUEL.
Okey lang ho ba talaga kayo?Tatawagan ko si Doktor MEDINA?"
Huwag na.Okey na ako.Salamat."
Mula sa pintuan at sumulpot si RAMON.
What's wrong?Namumutla ka?Anong nangyari rito MIGUEL?"
E bigla na lang hong sumama ang pakiramdam niya."
Sige na MIGUEL.Bumalik ka na sa trabaho mo.Ako na ang bahala sa kanya."
Sige ho.Maiwan ko na kayo."
Naiwan ang dalawa.
Something bothering you RAMONA?"
Natagpuan na nila si ISABEL."
What?Sigurado ba silang si ISABEL nga ang babaeng nahanap nila."
Hindi ko pa alam.Hindi ko sya nakita."
So?"
Pero malakas ang kutob ko!Nararamdaman ko."
Natatakot ka ba?"
RAMON?"
You have to prepare yourself for the consequences.Handa ka na ba talaga?"
Hindi ko alam...Hindi ko alam...

Sino si ISABEL sa buhay ni RAMONA?Ano ang kaugnayan nito sa kanya?

No hay comentarios: