Kabanata 2:
Nakatunganga pareho si ISABEL at PRINCESS sa bintana.Hindi nila namalayan ang pagdating ni FRANCIS.Ang binatang kapitbahay nila na matagal nang lihim na nagkakagusto kay PRINCESS.
Nagtatakang pinagmasdan ng binata ang mag-ina.Tiningnan ang lugar na kung saan nakatunghod ang mag-ina.
Naku!Kahit magdasal pa kayo ng paulit-ulit sa langit e hindi uulan ng pera!"
Tse!"
Ang bigat ng problema nyo huh!"
Hoy FRANCIS!Kung nagpunta ka dito para dagdagan ang init ng ulo namin ni inay e mabuti pa umuwi ka na!Baka mamaya mo dyan e samain ka pa sa ken!"
Ang suplada mo talaga!"
Hoy!Tumigil na nga kayong dalawa dyan.Ikaw naman FRANCIS,ano na naman ba ang ipinunta mo dito?Kung manliligaw ka sa anak ko;mabuti pa pautangin mo muna kami ng makakain namin at kame ay gutom na gutom na ."
Sige po,pupunta lang ako ng tindahan at ng makakain na tayo."
Tayo?Teka teka!Langhiya ka talaga,uutangan ka na lang nga namin e makikikain ka pa?"
Ano ka ba naman anak?Nagmamagandang loob na nga yung tao!"
E nananamantala yan eh!"
E di kung ayaw mo e di wag!Uuwi na lang ako."
Hay naku FRANCISCO,huwag mong pinag-iintindi yang anak ko at mainit lang ang ulo.Sige na bumili ka na ng pagkain at nanginginig na ang mga atay at balun-balunan ko!"
nang-aasar na dinilaan ni FRANCIS si PRINCESS at saka umalis.
Abat!?Nakuuuuu!!!!Nakakaasar!!"
Sa chimenea.Gabi.Hawak ni RAMONA ang baso ng brandy habang naninigarilyo sya.
RAMONA!"
RAMON?"
Iniisip mo ba din ba yung nangyari sa opisina?"
Oo.Matagal kong hinintay ang pagkakataong yon."
Yes.And you realized na hanggang ngayon hindi ka pa din handa."
Natatakot ako sa maraming puwedeng mangyari.
Kumuha ng isa pang baso si RAMONA at pinagsilbihan ang kaibigan.
Brandy?"
Thank you."
Matagal na tayong magkaibigan RAMON.Wala na akong inilihim sa iyo.Buong pagkatao ko.Ang nakaraan ko.Ang mga pinagdaanan ko."
Everything is gonna be fine.Maniwala ka lang sa sarili mo.At kung hindi mo ito gagawin,e mas magiging mahirap lalo ang sitwasyon para sa lahat.Lalong-lalo na sa iyo.It was your mistake."
Salamat."
Dont thank me.Alam mo namang ayaw ko ng pinasasalamatan ako.Lalong-lalo na ikaw.Magkaibigan tayo at nandito ako lagi para sa iyo."
Iyon nga eh.Napaka-suwerte ko at lagi kang nandiyan."
Well?Cheers!"
Cheers!"
Sa maliit na bahay na tinitirhan ni ISABEL at PRINCESS.Nilatag ni PRINCESS ang banig sa sahig na papad.
Hay!Kelan kaya ako makakatulog sa kutson?Tumitigas na itong mga laman ko sa kahihiga sa sahig."
Nangarap ka na naman!"
Aba Inay!Bakit?Hindi naman bawal ang mangarap ah!Kaya nga hindi ako tumitigil ng pagpapadala ng cupon ng mga bar soap para makasali naman tayo sa mga pakontes sa TV!Malay mo duon tayo maging milyonaryo!"
Milyonarya!Tange!"
E pareho na din po yon!At kapag yumaman tayo,gusto kong bumili ng condom unit!O di ba,andaming artistang may condo unit ngayon?Magni-negosyo ako ng restaurant at siyempre marami na ding mayamang manliligaw sa akin kasi itong mukhang ito ay pagkakaguluhan nila!"
Alam mo anak,bilib ako sa iyo!"
Talaga inay?"
Kase ang galing mong mangarap!Hahahahaha!!!Kaya mangarap ka na lang!"
Inay naman?Dapat nga sinosoportahan ninyo ako eh!"
Pinuputol ko lang yang mataas na ilusyon mo!"
Gusto kong makapunta ng ibang bansa...maging reyna man lang kahit isang linggo lang.Mag-buhay DOÑA!"
Hay naku Anak!Matutulog na ako.Baka sakaling ako ang makatupad ng wish mo!"
Inay?"Inay?
Ano ba?Inaantok na ako!"
Isang araw.Kinatok ng kasera ang bahay na tinitirhan nila ISABEL.
Ano ba?Ngayon ang usapan natin.May pambayad na ba kayo?"
Aling Tindeng?Eh..."
Naku ISABEL!Hindi na pupuwede!Andaming gustong umupa ng bahay na ito!At kailangan ko din ang pera dahil meron din akong pinagkakagastusan!"
Isang buwan pa ho.Maawa na kayo."
Hindi na puwede!Bukas pagbalik ko dito kailangan wala na kayo dahil tatanggapin ko na ang downpayment ng uupa dito.Naiintindihan mo?"
Maawa naman ho kayo sa amin.Saan nyo naman kami patutulugin?"
Puwes?Problema nyo na iyong mag-ina!"
Naiwang nanlulumo si ISABEL.Sa may di kalayuan ay nakamasid si MIGUEL.Ang alalay ni RAMONA.Nang malayo na mula sa bahay ang kasera ay hinabol ito ni MIGUEL.
Aleng ANO!"
Napatingin ang kasera.
Ano ho bang ipinunta ninyo duon sa bahay na iyon?"
Itinuro ni MIGUEL ang bahay na tinitirhan nila ISABEL.
Pinalalayas ko na yang mga nakatira diyan!Aba!Tatlong buwan nang hindi nagbabayad.At pang-apat na ngayon.Ano sila?Ginawa nilang evacuation center ang bahay ko!"
Ganon ho ba?"
O e bakit mo ba itinatanong?Naghahanap ka ba ng uupahan?"
Ho?"
Hmp!Magtatanong ka?Gusto mo lang palang sumagap ng tsismis!Diyan ka na nga at inaabala mo ako!"
Sige ho!Uupahan ko!"
Hmmmm?Uupahan mo nga ba?"
Magkano ho ba?"
Ibinalita agad ni MIGUEL ang tungkol sa pangyayari.
Whats wrong?Sinong kausap mo?"
Si MIGUEL."
O ano daw ang nangyari?"
Pinalalayas sila ISABEL sa tinitirhan nila."
Ano?"
Hindi ko alam ang gagawin ko?"
Be calm RAMONA."
Anong gagawin ko?"
Teka....may naisip akong paraan."
ANO ANG IDEYANG GUSTONG SABIHIN NI RAMON KAY RAMONA?SAAN HAHANTONG ANG PROBLEMA NANG MAG-INANG SI ISABEL AT PRINCESS?MAGING TAGAPAGLIGTAS KAYA SI MIGUEL SA PROBLEMANG DINADALA NG MAG-INA?ANO ANG MAGAGAWA NI RAMONA PARA KAY ISABEL AT PRINCESS?
lunes, 16 de julio de 2007
Suscribirse a:
Enviar comentarios (Atom)
No hay comentarios:
Publicar un comentario