viernes, 20 de julio de 2007

martes, 17 de julio de 2007

SURPRISED PRINCESS kabanata 3

Pumarada sa harap nang bahay ni ISABEL ang kotse na lulan si RAMON.Bumaba ito at hustong lumabas si ISABEL upang tingnan kung sino ang dumating.
Magandang tanghali."
Ano hong maipaglilingkod ko?"
ISABEL CASTAÑEDA?"
Ako nga.Bakit?"
Nabalitaan ko na kailangan mo nang tulong.Gusto ko sanang magbigay ng offer."
Hindi kita kilala."
Alam ko.Pero hayaan mong tulungan kita."
Hindi ko kailangan nang tulong sa mga taong gaya mo.Makakaalis ka na."
Kahit wala ka nang magagawa?"
Anong ibig mong sabihin?"
Kahit alang-alang sa anak mo?Wala ka nang choice ISABEL.Gusto mo bang matulog kayo sa kalye?At maging palaboy-laboy na lang?"
Huwag mo akong takutin!"
Im not threatening you.Gusto ko lang na sumama ka sa akin;and tha'ts all."
Bakit?Anong kailangan mo sa akin?"
Hindi ako ang may kailangan sa iyo.Isang tao.Isang mahalagang tao."

Napapayag ni RAMON si ISABEL na sumama sa kanya.Dinala ito ni RAMON sa mansiyon ng mga ANGELES.Sa bahay ni RAMONA.Dinala nya ito sa living room.
Take a seat.Be at home.Sinisigurado ko sa iyong theres nothing harm to be happen."
Ano ba itong pinagdalhan mo sa akin?"
ISABEL humihingi ako ng paumanhin sa inasal ko sa iyo.Iyon lang ang tanging paraan para mapapayag kita na sumama sa akin."
Maaari bang sabihin mo na sa akin kung bakit mo ako dinala dito?"
Lumabas si RAMONA mula sa likuran ni ISABEL galing sa dining room.
Kumusta na ISABEL?"
Namangha si ISABEL.Hindi makapaniwala sa nakikita niya.

Labing-anim na taon na ang nakaraan.Paano niya makakalimutan ang taong naging malaking bahagi sa kanya.Si RAMONA.....ANG PINAKA-MATALIK NIYANG KAIBIGAN.
Pero ang kasabikang iyon ay napalitan ng pagkamuhi at galit.Ano nga ba ang maaari niyang maging reaksiyon sa pagtatagpo nilang magkaibigan?

IKAW?"
ISABEL"
Ganyan ka ba magpatuloy nang tao?Dinadaan mo sa pagdukot?Pagbabanta?"
ISABEL,katulad ng sinabi ko sa iyo kanina.Walang kinalaman si RAMONA sa ginawa ko sa iyo kanina."
RAMON,iwan mo muna kami please?"
Okey."
Tumalima si RAMON sa pakiusap ni RAMONA.
Hindi ka ba natutuwa sa pagkikita natin?"
Ano ba itong drama mo?Bakit ka nagbalik?"
Patay na ang asawa ko.He passed away last year.Mag-isa na lang ako."
Kaya ka nagbalik?Magpapaliguy-ligoy pa ba tayo?"
Hindi ko nakalimutan ang lahat ng sinabi ko nuon sa iyo.Maniwala ka."
Maniwala?Paano ako maniniwala?Nababalutan na nang pera ang buong pagkatao mo!"
Hindi ako nagbago.Ipinahanap kita.Pero natuklasan ng asawa ko kaya sya ang gumawa ng paraan para mawala ang komunikasyon natin sa isat-isa."
Anong gusto mo ngayong mangyari?Gusto mong kunin ang anak mo?Ang anak ko?"
Hindi ko siya aagawin sa iyo."
Huwag mong guluhin ang buhay niya!Masaya siya at kahit malaman niyang mayaman ang tunay niyang ina?Ako pa din ang mamahalin niya.Sinisigurado ko iyan sa iyo!"
Sandali lang ISABEL."
Ano?"
Ipagpalagay mo na lang na anak mo nga siya.Ipagkakait mo bang maramdaman niya ang kaginhawaang matagal niya nang gustong matikman?"





Sa pagpapatuloy ng istorya:
Anong naisip mo?"
Ito na ang pagkakataon para harapin mo siya."
Hindi ako puwedeng makipagkita kay MARIANELLA."
MARIANELLA ba i'kamo?Yun ba ang pangalan ng anak mo na iniwan mo kay ISABEL?"
Oo."
How can u sure of that?Consistent ba ang evidence ba binigay sa iyo?"
Walang ibang kasama si ISABEL kundi isang dalaga lang.Meron pa bang iba?"
RAMONA hindi sa dini-disappoint kita.Sixteen yrs kang walang nalaman sa kung anong naging buhay ng kaibigan mo.Paano mo masisiguradong siya nga ang anak mo?"
Tama ka RAMON.Mabuti pa nga sigurong magkaharap na kami ni ISABEL."
That's the best thing."
Ipapasundo ko sa driver ang kaibigan mo at dadalhin ko sya sa bahay mo.Okey ba iyon sa iyo?"
Paano?"
Let me handle this.Ako na ang bahala."
Sobra-sobra na ang ginagawa mo sa akin."
Tama na ang drama.Sige,aalis na ako.Prepare yourself."
I will."

Nang mga oras na iyon ay nagbalik si PRINCESS sa hotel.
Mamang guwardiya,natatandaan nyo ho ba ako?"
Hindi.Bakit?Sino ka ba?"
E ako yung nagpunta dito nung isang araw na natapon iyung mga paninda ko dito mismo sa harap ng hotel!"
Ah!Oo!Syempre naman at paano ko naman hindi matatandaan e iyon yung araw na sinira mo iyung araw ko!Pinaglinis mo kami ng janitor nang mga kaning baboy na tinapon mi dito!"
Hoy!Hindi kaning baboy yon huh!Ang sakit mong magsalita!Paninda ko iyon!At masasarap iyon!"
At ano naman ang ipinunta mo dito huh?"
kakamot-kamot sa ulo si PRINCESS.
E binabalikan ko lang ho sana yung bayong.."
BAYONG?!"
Oo."
Natawa ang guwardya.
At ano naman sa palagay mo ang gagawin namin sa bayong mo huh?Gagawing collection?Wala na po ang bayong mo!Tinapon na namin sa basurahan at siguradong wala na yun dito dahil dinurog na sya ng truck ng basura!"
Ano?Ang sama nyo naman?"
E malay ko ba kung may magki-claim pa ng bayong na butas butas na iyon!"
Alam mo Mamang guwardya..."
Ano?
Kung anong ASKAD ng pagmumukha mo e sya ring ASKAD ng kaluluwa mo!"
Aba't!"
Nagtatakbong bumaba ng hagdan si PRINCESS.Di nya namalayang makakabangga nya ang isang dalagitang halos ka-edad nya at sosyalerang si TRIXIE.
Ano ba?Shit!Bulag ka ba o tanga?"
Naku!Pasensya na poh!"
Estupida!"
Good afternoon po Ma'am TRIXIE!"
Guwardya?Bakit may kulangot na gagala-gala dito?"
Kulangot?Di ba nasa ilong iyon?"bulong ni PRINCESS.
Nag-isip ka pa?Ikaw ang tinutukoy ko!"
E Ma'am TRIXIE,hinahanap nya kase dito yung bayong nya!"
Bayong?Whats that bayong?"
Bayong hindi mo alam?E ikaw pala ang tanga dyan eh!"
What?You called me TANGA?!"
Alam mo pasosyal ka pa!Wala naman palang laman iyang utak mo!E di ikaw pala yung nasa loob ng ilong!"
Guwardya anong pinagsasabi ng hampaslupang itoh!"
Ang gusto kong sabihin eh ikaw ang KULANGOT!Makaalis na nga at nagiging 40 grades calcius na dito!Umiinit na ang ulo ko!Paraan!"tinulak ni PRINCESS si TRIXIE para makaraan siya.Lalo tuloy nagwala si TRIXIE.
Estupida!"
Kung ako estupida,ikaw naman BOBA!!!TSEEE!!!!"
palabas na si RAMON at nadatnan nyang nagwawala si TRIXIE.
O anong kaguluhan ito?"
That stupid bitch!"
Sino?"
Never mind Tito RAMON."

lunes, 16 de julio de 2007

Kabanata 2:



Nakatunganga pareho si ISABEL at PRINCESS sa bintana.Hindi nila namalayan ang pagdating ni FRANCIS.Ang binatang kapitbahay nila na matagal nang lihim na nagkakagusto kay PRINCESS.
Nagtatakang pinagmasdan ng binata ang mag-ina.Tiningnan ang lugar na kung saan nakatunghod ang mag-ina.
Naku!Kahit magdasal pa kayo ng paulit-ulit sa langit e hindi uulan ng pera!"
Tse!"
Ang bigat ng problema nyo huh!"
Hoy FRANCIS!Kung nagpunta ka dito para dagdagan ang init ng ulo namin ni inay e mabuti pa umuwi ka na!Baka mamaya mo dyan e samain ka pa sa ken!"
Ang suplada mo talaga!"
Hoy!Tumigil na nga kayong dalawa dyan.Ikaw naman FRANCIS,ano na naman ba ang ipinunta mo dito?Kung manliligaw ka sa anak ko;mabuti pa pautangin mo muna kami ng makakain namin at kame ay gutom na gutom na ."
Sige po,pupunta lang ako ng tindahan at ng makakain na tayo."
Tayo?Teka teka!Langhiya ka talaga,uutangan ka na lang nga namin e makikikain ka pa?"
Ano ka ba naman anak?Nagmamagandang loob na nga yung tao!"
E nananamantala yan eh!"
E di kung ayaw mo e di wag!Uuwi na lang ako."
Hay naku FRANCISCO,huwag mong pinag-iintindi yang anak ko at mainit lang ang ulo.Sige na bumili ka na ng pagkain at nanginginig na ang mga atay at balun-balunan ko!"
nang-aasar na dinilaan ni FRANCIS si PRINCESS at saka umalis.
Abat!?Nakuuuuu!!!!Nakakaasar!!"

Sa chimenea.Gabi.Hawak ni RAMONA ang baso ng brandy habang naninigarilyo sya.
RAMONA!"
RAMON?"
Iniisip mo ba din ba yung nangyari sa opisina?"
Oo.Matagal kong hinintay ang pagkakataong yon."
Yes.And you realized na hanggang ngayon hindi ka pa din handa."
Natatakot ako sa maraming puwedeng mangyari.
Kumuha ng isa pang baso si RAMONA at pinagsilbihan ang kaibigan.
Brandy?"
Thank you."
Matagal na tayong magkaibigan RAMON.Wala na akong inilihim sa iyo.Buong pagkatao ko.Ang nakaraan ko.Ang mga pinagdaanan ko."
Everything is gonna be fine.Maniwala ka lang sa sarili mo.At kung hindi mo ito gagawin,e mas magiging mahirap lalo ang sitwasyon para sa lahat.Lalong-lalo na sa iyo.It was your mistake."
Salamat."
Dont thank me.Alam mo namang ayaw ko ng pinasasalamatan ako.Lalong-lalo na ikaw.Magkaibigan tayo at nandito ako lagi para sa iyo."
Iyon nga eh.Napaka-suwerte ko at lagi kang nandiyan."
Well?Cheers!"
Cheers!"


Sa maliit na bahay na tinitirhan ni ISABEL at PRINCESS.Nilatag ni PRINCESS ang banig sa sahig na papad.
Hay!Kelan kaya ako makakatulog sa kutson?Tumitigas na itong mga laman ko sa kahihiga sa sahig."
Nangarap ka na naman!"
Aba Inay!Bakit?Hindi naman bawal ang mangarap ah!Kaya nga hindi ako tumitigil ng pagpapadala ng cupon ng mga bar soap para makasali naman tayo sa mga pakontes sa TV!Malay mo duon tayo maging milyonaryo!"
Milyonarya!Tange!"
E pareho na din po yon!At kapag yumaman tayo,gusto kong bumili ng condom unit!O di ba,andaming artistang may condo unit ngayon?Magni-negosyo ako ng restaurant at siyempre marami na ding mayamang manliligaw sa akin kasi itong mukhang ito ay pagkakaguluhan nila!"
Alam mo anak,bilib ako sa iyo!"
Talaga inay?"
Kase ang galing mong mangarap!Hahahahaha!!!Kaya mangarap ka na lang!"
Inay naman?Dapat nga sinosoportahan ninyo ako eh!"
Pinuputol ko lang yang mataas na ilusyon mo!"
Gusto kong makapunta ng ibang bansa...maging reyna man lang kahit isang linggo lang.Mag-buhay DOÑA!"
Hay naku Anak!Matutulog na ako.Baka sakaling ako ang makatupad ng wish mo!"
Inay?"Inay?
Ano ba?Inaantok na ako!"

Isang araw.Kinatok ng kasera ang bahay na tinitirhan nila ISABEL.
Ano ba?Ngayon ang usapan natin.May pambayad na ba kayo?"
Aling Tindeng?Eh..."
Naku ISABEL!Hindi na pupuwede!Andaming gustong umupa ng bahay na ito!At kailangan ko din ang pera dahil meron din akong pinagkakagastusan!"
Isang buwan pa ho.Maawa na kayo."
Hindi na puwede!Bukas pagbalik ko dito kailangan wala na kayo dahil tatanggapin ko na ang downpayment ng uupa dito.Naiintindihan mo?"
Maawa naman ho kayo sa amin.Saan nyo naman kami patutulugin?"
Puwes?Problema nyo na iyong mag-ina!"
Naiwang nanlulumo si ISABEL.Sa may di kalayuan ay nakamasid si MIGUEL.Ang alalay ni RAMONA.Nang malayo na mula sa bahay ang kasera ay hinabol ito ni MIGUEL.
Aleng ANO!"
Napatingin ang kasera.
Ano ho bang ipinunta ninyo duon sa bahay na iyon?"
Itinuro ni MIGUEL ang bahay na tinitirhan nila ISABEL.
Pinalalayas ko na yang mga nakatira diyan!Aba!Tatlong buwan nang hindi nagbabayad.At pang-apat na ngayon.Ano sila?Ginawa nilang evacuation center ang bahay ko!"
Ganon ho ba?"
O e bakit mo ba itinatanong?Naghahanap ka ba ng uupahan?"
Ho?"
Hmp!Magtatanong ka?Gusto mo lang palang sumagap ng tsismis!Diyan ka na nga at inaabala mo ako!"
Sige ho!Uupahan ko!"
Hmmmm?Uupahan mo nga ba?"
Magkano ho ba?"

Ibinalita agad ni MIGUEL ang tungkol sa pangyayari.
Whats wrong?Sinong kausap mo?"
Si MIGUEL."
O ano daw ang nangyari?"
Pinalalayas sila ISABEL sa tinitirhan nila."
Ano?"
Hindi ko alam ang gagawin ko?"
Be calm RAMONA."
Anong gagawin ko?"
Teka....may naisip akong paraan."

ANO ANG IDEYANG GUSTONG SABIHIN NI RAMON KAY RAMONA?SAAN HAHANTONG ANG PROBLEMA NANG MAG-INANG SI ISABEL AT PRINCESS?MAGING TAGAPAGLIGTAS KAYA SI MIGUEL SA PROBLEMANG DINADALA NG MAG-INA?ANO ANG MAGAGAWA NI RAMONA PARA KAY ISABEL AT PRINCESS?

"Surprised PRINCESS" orihinal na panulat ni gabimay

Kabanata 1:


MARIELLLA ang pangalan nya"
inilapag sa front desk ang green folder sa harapan ng isang babaeng may edad na 45 anyos.Si RAMONA.May ari ng ADSPACE Agency Air Tour.Isa sa pinaka-malaking kumpanya na nag-i-sponsor ng mga events worldwide.
Sige na,puwede mo na akong iwan."
Yes Ma'am."
Mrs.Villanueva,nasa labas na ho yung babaeng pinahahanap nyo kay Detective Saaavedra."
What are you talking about?"
Ma'am aalis na po ako"
Sige na LIZ.Tatawagan na lang kita sa extention line."
At lumabas na ang sekretarya ni RAMONA.
Sit down MIGUEL.Isara mo ang pinto pls."
tumalima ang binata.
Sinong babae ang tinutukoy mo?
Ma'am RAMONA naalala nyo ho ba late last year nuong inutusan nyo ako to hire a detective para hanapin ang babaeng nagngangalang ISABEL CASTAÑEDA?"
Nag-isip si RAMONA.
Are you serious?Nandyan si.....ISABEL CASTAÑEDA?!"
Ma'am?
hindi matinag si RAMONA.
Okey lang po ba kayo?Gusto nyo ho bang iset-up natin ang meeting nyo sa kanya for the other day?"
MIGUEL,give me five minutes.Gusto ko munang mapag-isa."
Yes Ma'am."
MIGUEL?"
Ma'am?"
Dyan ka lang sa labas.Ipatatawag na lang kita."
Sige ho."
naiwan si RAMONA.Napasandal sa silya.Pumikit.
Sa labas.Habang naghihintay si ISABEL ay sumulpot naman na isang magandang dalagita na pangalan ay PRINCESS.Hinarang ito ng guwardiya.
Mamang Ano naman!Payagan nya na akong magtinda dito.Sige na!Ililibre kita ng pananghalian araw-araw!Sige na naman o!Pls!"
Hindi talaga puwede!Mayayari ako sa admin. kapag pinapasok kita."
E hindi naman ako magpapahuli eh!Pls naman o!"
PRINCESS?!"
nakita ni PRINCESS si ISABEL.
Aba?Inay!
Nanay mo sya?"
Oo!Kaya huwag mo na akong harangin!"
Hindi ka puwede dito sabi eh!
Ang kulit mo naman Mamang Ano!"
Guard!Sige na,hayaan mo na syang makapasok."
Napakamot na lang ang guwardya ng utusan sya ni MIGUEL na hayaan na lang si PRINCESS.
Salamat huh!Mamang Pogi!"
Walang anuman,basta ba huwag kang magtitinda dito,ok?"
Huh?Hindi naman eh!"
Inuunahan lang kita.Halata kasing pagkaing paninda ang laman ng bayong mo eh!"
Huh?Eto?Hindi ah!"
Anyway.Maiwan ko na kayo."
Nakasimangot na sinindan ni PRINCESS ng tingin si MIGUEL.
Hmp!Sungit!"
O' Inay?Anong ginagawa mo dito?Akala ko ba medyo masama ang pakiramdam mo?"
E kase may dumating na sulat sa bahay kahapon."
Sulat?Anong sulat?Patingin!"
binuksan ni ISABEL.At binasa nilang dalawa ang sulat.
Aba Inay!Mu'kang premyo ito ah?Pero teka?sumali ka ba sa contest na 'to?
Ako?Sira ka ba?E pang-mayaman lang itong contest na ito eh!Ticket sa eroplano?E ni minsan hindi naman ako nagbiyahe ng airplane!Barko!Yun pah!"
At saka isang beses ka lang naman sumakay ng barko di ba Inay?Kelan pa ba yun?ilang taon na ang nakaraan!Imposible!"
Naku PRINCESS!Kinakabahan ako!Baka trampa lang ito!Baka ito yung isa sa mga pinagkakautangan ko!Na hindi ko nabayaran....e di syempre tumubo na kaya kailangan na akong ipakulong!"
Hindi kaya tama ang iniisip mo inay?Ilan na ba ang tinakbuhan mong utang inay?"
Naku...andami eh!Hindi ko na maalala iyung iba!Patay na nga yung mga iba eh!"
Inay,tumakas na tayo.Bago maging huli ang lahat!"
E paano may guwardya sa labas?"

Ipinatawag ni RAMONA si MIGUEL.
Ma'am?"
Patuluyin mo na sya."
Sige po"

Nagmamadaling lumabas ng hotel si ISABEL at PRINCESS.Sa katatakbo ay nabitiwan ni PRINCESS ang bayong na puno ng kakanin.At nagkalat ito sa entrance hall.
Ayyyyyyy!!!!!Ang paninda ko!!
Bayaan mo na yan dyan!Halika na!"
E inay!Paano na ang paninda ko?"
Ang paano mo pa yan ititinda?Tange!Halika na sabe!"
Pano na ang mga paninda ko!Wahhhh!!Sayang yun!"
Hustong pumarada ang jeep kaya sumakay agad ang dalawa.

Pinuntahan ni MIGUEL ang guwardya at hinanap dito ang mag-ina.
Guard,nasa'n na yung babae na may kasamang dalaga?"
E kalalabas lang ho ah."
Anong kalalabas lang?"
E humahangos nga hong sumakay ng jeep!"
Ano itong mga pagkaing nakakalat sa hagdan?"
E kamamadali ho ng dalawa na makalabas sa hotel eh natapon ang laman ng bayong na dala ng dalagita."
Iiling-iling si MIGUEL.
O sya!Ipalinis na yan sa janitor at baka may dumating na guests e pintasan pa itong hotel natin."
Opo Sir."

Bumalik si MIGUEL sa opisina ni RAMONA.Kumatok ito.
O tuloy."
Ma'am.Umalis na ho sila eh.Hindi ko na naabutan."
Bakit?Anong nangyari?"
Nagmamadali daw hong umalis ang dalawa."
Sino bang dalawa?Si ISABEL ang pinag-uusapan natin.Meron ka bang ibang tinutukoy?"
Sya na nga po.Kanina ho kase nagkita sila dito ng isang dalagita?
Dalagita?Anong ginagawa ng dalagita dito?Dito nagta-trabaho?"
Hindi ho.Parang anak ho sya ng babaeng pinahanap nyo."
Nanlamig si RAMONA.Napaupo sa silya.
Give me a glass of water please."
Tumalima si MIGUEL.
Okey lang ho ba talaga kayo?Tatawagan ko si Doktor MEDINA?"
Huwag na.Okey na ako.Salamat."
Mula sa pintuan at sumulpot si RAMON.
What's wrong?Namumutla ka?Anong nangyari rito MIGUEL?"
E bigla na lang hong sumama ang pakiramdam niya."
Sige na MIGUEL.Bumalik ka na sa trabaho mo.Ako na ang bahala sa kanya."
Sige ho.Maiwan ko na kayo."
Naiwan ang dalawa.
Something bothering you RAMONA?"
Natagpuan na nila si ISABEL."
What?Sigurado ba silang si ISABEL nga ang babaeng nahanap nila."
Hindi ko pa alam.Hindi ko sya nakita."
So?"
Pero malakas ang kutob ko!Nararamdaman ko."
Natatakot ka ba?"
RAMON?"
You have to prepare yourself for the consequences.Handa ka na ba talaga?"
Hindi ko alam...Hindi ko alam...

Sino si ISABEL sa buhay ni RAMONA?Ano ang kaugnayan nito sa kanya?